Sa ikatlong pagkakataon, muling nakatapagtala ang Department Of Health (DOH) ng mahigit walong libong karagdagang COVID-19 cases sa bansa.
Sumampa sa 8,735 ang bagong COVID case kahapon kabilang ang 127 fatalities habang nasa 5,930 ang recoveries.
Sumampa na sa 1,597,689 ang kabuuang kaso ng covid-19 kabilang ang 1,506,027 na gumaling at 28,016 na namatay.
Nasa 63,646 naman ang aktibong kaso na karamihan ay mild.—sa panulat ni Drew Nacino