Nasa 25 lugar sa Quezon City ang isinailalim na sa dalawang linggong special concern lockdown dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.
Kabilang sa mga ini-lockdown ang Luke Street, Hobart Subdivision 2, Barangay Kaligayahan; isang bahagi ng Quirino Highway, Barangay Gulod; ROTC hunters, cluster 7, Barangay Tatalon;
Isang bahagi ng Araneta Avenue, Barangay Santol; bahagi ng upper Banlat, Barangay Tandang Sora; Tabigo Street, Barangay Commonwealth; Alex Apartelle, Virgo Street sa Solville Subdivision, Barangay Talipapa;
Habang apat na lugar sa shelter homes at ilang-ilang Street, Barangay batasan hills gayundin ang Davao at Cotabato Streets, Barangay Alicia.
Tiniyak naman ng City government na hahatiran ng tulong tulad ng food packs at essential kits ang mga apektadong pamilya bukod pa sa pagsasailalim sa kanila sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.—sa panulat ni Drew Nacino