Isinailalim sa localized enhanced community quarantine (ECQ) ang lungsod ng Laoag at bayan ng Pagudpud sa Ilocos Norte sa loob ng dalawang linggo na epektibo mula Agosto 1 hanggang 15.
Ayon kay Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, napagdesisyunan niyang ilagay sa pinakamahigpit na quarantine classification ang lalawigan dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.
Kasabay nito, mas hinigpitan rin ng mga kapulisan ang pagbabantay sa mga border control sa naturang lalawigan.
Habang ang mga bayan naman ng Bacarra, Badoc, Burgos, at Pinili ay isinailalim sa localized general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.
Nitong linggo nang ibalik sa modified ECQ ang buong Ilocos Norte matapos na makapagtala ng 312 na mga bagong kaso noong Sabado, kung saan ito ang pinakamataas na naitala mula nang magsimula ang pandemya.—sa panulat ni Hya Ludivico