Nakapagtala na ng anim na ang nasawi habang daan-daang katao na ang nagsilikas dahil sa nagpapatuloy na wildfire sa Turkey at ilang bahagi ng Europa.
Kabilang sa pinakamatinding naapektuhan ang mga tourist spot na Bodrum at Antalya cities sa Turkey.
Ayon sa mga otoridad, umaabot na sa 50 ang temperatura sa mga nasabing lugar.
Apektado rin ng sunog dulot ng sobrang init ng panahon ang ilang bahagi ng Greece, Italy at Spain.
Batay sa datos ng European Union, aabot na sa 13,500 hectares ang nasunog sa Greece pa lamang. —sa panulat ni Drew Nacino