Muling minalas ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Tunisia sa ikatlong round ng 10th king Abdullah Cup sa Amman, Jordan.
Inilampaso ng Tunisia ang Pilipinas sa score na 80-68, sa kanilang paghaharap sa Prince Hamza Sport Hall.
Nanguna para sa Philippine team si Carl Tamayo na rumatsada ng 14 points habang nag-ambag ng 12 points si S.J. Belangel.
Kumamada naman si Jawher Jawadi ng 21 points para sa Tunisia.
Magugunitang natalo rin ang Gilas sa Jordan team-a sa huling round ng elimination series noong Sabado.—sa panulat ni Drew Nacino