Patuloy na tumataas ang bilang ng mga tumatawag na natatanggap ng One Hospital Command Center o OHCC bago ipatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila.
Sinabi ni Treatment Czar Leopoldo Vega, mula sa 90 tawag na natanggap ng Hospital Referral Center umabot na ng 175 sa nakalipas na dalawang linggo.
Sinabi ni Vega na lalong dumarami ang nagkakasakit at nahahawaan ng COVID-19.
Aniya, karamihan ng mga tawag ay mula sa Metro Manila habang nakakatnggap din ng tawag mula sa CALABARZON at Central Luzon.
Dahil dito, nagdagdag sila ng 110 call receivers sa OHCC bilang paghahanda sa ECQ at COVID-19 surge.
Samantala, maaaring tumawag sa OHCC sa mga sumusunod na numero.
- 0919-977-3333
- 0915-777-7777
- 02 886 505 00