Umabot sa higit P25 milyon ang pinsala sa ari-arian at inprastraktura sa Baguio City dahil sa ulang dala ng bagyong Fabian na mas pinatindi pa ng habagat.
Ayon sa City Disaster and Risk Reduction and Management Office, aabot sa higit 9 milyon ang pinsala sa mga privately own na mga imprastraktura habang nasa 16 milyon naman sa public infrastructure.
Bukod sa mga nasabing pinsala, nakapagtala ang Baguio City ng isang nasawi at tatlong sugatan dahil sa patuloy na pag-uulan.
Aabot naman sa 112 pamilya o 474 na katao ang naapektuhan ng bagyong Fabian at habagat. — sa panulat ni Rex Espiritu.