Tumaas ng 46% ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kumpara noong nakaraang linggo.
Ayon sa OCTA Research Group, pumalo ng halos 1,394 ang bagong COVID-19 cases kada araw sa NCR mula Hulyo 26 hanggang Agosto 1 kumpara sa 953 noong isang linggo.
Umakyat naman sa 1.59 ang reproduction number sa rehiyon, indikasyon na marami ang nahahawa ng isang pasyenteng may COVID-19.
Tinatayang 9.98 ang kaso sa kada 100,000 na populasyon ang average daily attack rate at 10% ang positivity rate.
Naitala rin ang 46% ng hospital bed utilization rate habang 51% ang Intensive Care Unit (ICU) occupancy rate.
Tinukoy din ng grupo ang Cagayan De Oro na critical-risk area at high-risk area ang mga lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu, General Santos, Iloilo, Mandaue, Laoag, Bacoor at Dasmariñas habang ibinaba na sa moderate-risk area ang Davao City mula sa high risk.