Sumampa na sa P1.1 bilyon ang halaga ng pinsalang dulot ng habagat sa imprastraktura.
Ayon sa DPWH, karamihan sa mga napinsala ng baha ang mga kalsada at flood control structures dahil a walang tigil na pag-ulan.
Pinakamalaking naitalang pinsala sa Central Luzon na aabot sa P699.16 milyon.
Tinaya naman sa halos P40 milyon ang pinsalang dulot ng habagat sa National Capital Region (NCR).
Kabilang sa mga napinsala at pansamantalang isinara ang Baguio-Bontoc road sa Paoay, Atok, Benguet; Abra-Kalinga road sa Malibcong, Abra at Cong. Andres Acop Cosalan road, sa Buguias, Benguet.—sa panulat ni Drew Nacino