Dismayado si dating House Speaker at kasalukuyang Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez sa administrasyong Duterte.
Ito ang pag-amin ni Alvarez, matapos itong hingan ng grado sa ginagawang aksyon ng kasalukuyang adminstrasyon.
Bagamat hindi nagbigay ng grado si Alvarez, iginiit nito na dismayado siya sa pagtugon ng pamahalaan sa ilang mga kinakaharap na problema ng bansa lalo na sa COVID-19 pandemic.
Inihalimbawa ni Alvarez ang malaking pagkakaiba ng pilipinas at ibang Asian countries pagdating sa pagsugpo kontra COVID-19.
Tila mas maayos at mas maganda aniya ang naging pagtugon ng Vietnam sa problemang dala ng pandemya kaysa sa ating bansa.
Magugunitang naging masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Alvarez noong tumatakbo ito sa pagkapresidente gayundin nang maupo na ito sa pwesto.
Samanatala, sa usapin naman ng pagtakbo ng Pangulo sa darating na eleksyon bilang Vice President, sinabi ni Alvarez na huwag na itong tumakbo dahil para sa kanya ay ‘champion’ na ang Pangulo.