Sususpendihin ng Meralco ang disconnection activities nito sa Laguna at National Capital Region o NCR kasunod ng muling pagsasailalim sa mahigpit na quarantine status.
Sa abisong inilabas ng Meralco, sinabi nito na epektibo sa Agosto 6 hanggang 20 ang pag-iral ng suspensyon sa disconnection activities sa ncr bilang pagbibigay daan sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Habang nitong Agosto 1 ay sinimulan naman ang suspensyon ng naturang aktibidad sa laguna at magtatagal hanggang Agosto 15 dahil naman sa pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.
Paliwanag ng Meralco na ang naturang hakbang ng kumpanya, ay para ibsan ang pasan na problema ng mga ito sa panahon ng mahigpit na quarantine status at magkaroon pa ng panahon para maayos ang kanilang mga electric bills.