Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Cebu City ng karagdagan pang health workers para matugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Ayon kay Acting Mayor Michael Rama, marami pang nurse at medical staff ang hindi na nagtatrabaho na maaaring makatuwang sa paglaban na ito sa COVID-19.
Samantala, sinabi rin ni Rama na bubuksan na nila ang kanilang “field hospitals” sa mga darating na araw para mabawasan ang mga COVID-19 patients sa mga medical facilities.
Bubuksan aniya nila ang field hospital na ito sa isang malaking sports complex kung saan i-a-accommodate ang mga asymptomatic, mild at moderate na kaso ng COVID-19.