Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-aatas na bumuo ng Energy Research Institute sa Pilipinas.
Sa ilalim ng Republic Act 11572, ang Philippine Energy Research and Policy Institute ay magiging isang independent agency na naka-attached sa University of the Philippines (UP).
Inaatasan ang institusyong ito na magsagawa ng pananaliksik tungkol sa enerhiya at pag-giya sa gobyerno para bumuo ng sound energy policy guidelines.
Layon ng batas na matiyak ang katatagan ng suplay ng enerhiya sa bansa.