Nagbabala sa publiko ang Bankers Association of the Philippines (BAP) kaugnay sa mga online fraud na gumagamit na rin ng digital banking ngayong pandemya.
Ayon sa BAP, laganap na rin ngayon ang panloloko online o itong tinatawag na “phising”, kung saan nagpapadala ang mga ito ng email para makakuha ng password at iba pang mahahalagang impormasyon sa account ng isang indibidwal.
Kaugnay nito, hinimok ng BAP ang publiko na maging maingat sa mga ganitong klaseng scheme lalo’t tumataas ngayon ang insidente ng Cybercrime.
Ang mga Cybercriminals umano ngayon ay gumagawa ng iba’t ibang paraan para lamang makapanloko ng tao.
Batay sa datos ng Anti-Money Laundering Council, tumaas ng 57% ang napa-ulat na mga kahina-hinalang transaksyon sa unang bahagi ng COVID-19 crisis kumpara noong nakaraang taon sa kaparehas na buwan.