Isasailalim sa heightened restrictions ang Iloilo City simula sa Agosto 8.
Ito’y sa kabila ng umiiral nang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.
Ayon kay Mayor Jerry Treñas, maliban sa mga papauwing Overseas Filipino Worker, hindi maaaring bumyahe ang iba papasok ng Iloilo City.
Maaari lang din aniyang makapasok sa lungsod ang mga nagta-trabaho at kailangan ng access sa mga medical needs o kailangan mabakunahan.
Ipinatupad din umano ang total liquor ban habang piling industriya lang din ang pinayagan na makapag-operate ng full capacity.