Tinatayang 45% ng mga residente ng NCR o 13 milyong populasyon ang target bakunahan bago matapos ang Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Ito’y upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus lalo ng mas nakahahawang Delta variant at maprotektahan ang Metro manilalaban sa COVID-19.
Simula nang ilarga ang COVID-19 vaccination ay aabot na sa 8.2 milyong katao na ang nagpabakuna sa NCR.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, kung mababakunahan laban sa COVID-19 ang mayorya ng mga taga NCR ay mapo-protektahan na rin ang buong bansa.
Samantala, kumpiyansa naman ang DILG na kakayanin ang 250,000 vaccine jabs kada araw sa NCR lalo’t may mga paparating pang supply ngayong buwan kabilang ang 2.5 milyon ang additional doses habang naka-ECQ.—sa panulat ni Drew Nacino