Tulad ni Gold Medalist Hidilyn Diaz, nagsimula na ring bumuhos ang pabuya para kay Filipina Boxer Nesthy Petecio matapos sungkitin ang silver medal sa 2020 Tokyo Olympics.
Bukod sa medalyang pilak matapos makaharap si Sena Irie ng japan sa Women’s Featherweight finals, aabot na sa P29.5 milyon ang pabuyang nag-aabang kay Petecio.
Binubuo ang mga premyo ng P5 milyon mula sa Philippine Sports Commission, tig-P5 milyon mula sa mga business tycoon na sina Manny Pangilinan at Ramong Ang.
May P2 milyon ding ipagkakaloob si 1-Pacman Party-List Mikee Romero, P2.5 milyon house and lot mula sa Ovialand at P10 milyong condo unit mula sa megaworld bukod pa sa limang taong unli-flights ng Air Asia.
Sa kabila ng ito, maaaring buwisan ang mga gantimpalang ibinibigay sa mga atletang nananalo sa Olympics. —sa panulat ni Drew Nacino