Mahigit 24,000 bakunadong senior citizens sa Makati City ang makatatanggap ng P1,000 halaga ng gift certificate.
Ang estratehiyang ito ng lungsod ay upang mahimok pa ang mas maraming senior citizens na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, hanggang nitong Hulyo ay nasa 50,000 senior citizens na ang nabakunahan sa lungsod, kung saan sa nasabing bilang, 44,121 ang nakatanggap ng unang dose habang 35,813 naman ang nakatanggap ng second dose.
Target ng lungsod na mabakunahan ang 100 porsyento ng mga senior citizen sa lungsod, ngunit ayon kay Binay, depende pa rin ito sa kagustuhan ng mga senior citizen na magpabakuna at availability ng COVID-19 vaccines.
Sinabi pa ng alkalde na ang unang batch ng 1M doses ng bakuna na binili ng lokal na pamahalaan ay nakatakdang dumating ngayong buwan. —sa panulat ni Hya Ludivico