Tiniyak ng OCTA research team sa publiko na ibinase nila ang kanilang projections sa datos at hindi sa mga teorya lamang.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, siyensya at mga nakalipas na datos ang kanilang pinagbatayan sa pagbibigay ng projections.
Ito ang dahilan kaya’t inirekomenda nila sa gobyerno na magpatupad ng circuit-breaker o dalawang linggong Enhanced Community Quarantine.
Sa katunayan anya ay posibleng umabot sa mahigit 2,500 cases kada araw ang COVID-19 cases sa NCR kung sa Agosto 16 magsisimula ang lockdown.
Nilinaw naman ni Professor Ranjit Rye, na miyembro rin ng OCTA, na hindi issue kung tama sila o mali, bagkus ang mahalaga ay nadaragdagan ang impormasyon sa kinakaharap na pandemya at kailangang magtulungan upang malampasan ang banta ng panibagong COVID surge.
Makailang-beses nang kinuwestyon ng malakanyang, DOH at ilang government agencies ang mga inilalabas na datos ng OCTA research kaugnay sa COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino