Tiwala ang Palasyo sa kakayanan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na makapagbabakuna ito ng 250,000 indibidwal kada araw kahit pa nasa ilalim ng mahigpit na quarantine status.
Ayon kay presidential spokesperson, Secretary Harry Roque na kanila nang ipauubaya sa mga lokal na pamahalaan ang pangangasiwa rito.
Giit ni Roque, nangako na ang mga alkalde sa Metro Manila sa pamamagitan ni MMDA Chairman Benhur Abalos na kakayanin ang naturang bilang na mabakunahan kontra COVID-19. Sa pagtataya ni Roque, nasa 250,000 vaccines per day ang maituturok ay papalo aniya sa 4M residente ng Metro Manila ang makatatanggap nito.
Kasunod nito, tiwala ang kalihim na hindi ito mahirap makamit lalo na’t karamihan sa mga residente nito ay walang trabaho dahil sa 2-week lockdown.