Patay ang isang Junior Police Official matapos aksidenteng pumutok ang baril nito sa San Pascual, Batangas.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Police Captain Rjoval Lopez, 36 anyos, nakatalaga sa PNP Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.
Batay sa kwento ng kapatid ng biktima na si Marshel Gauang, bandang alas-11:30 ng umaga, nakita niya si Lopez na nasa loob ng sasakyan at chini-check ang service fire arm nito na 9mm glock.
Bigla na lang umano niyang nakitang pumutok ang baril at tinamaan sa ulo ang kaniyang kapatid.
Dead on the spot si Lopez, patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang insidente.