Dapat payagang mapalawig ang coverage ng vaccine cards upang mas madaling maka biyahe lalo na ang mga manggagawa at mga OFWs.
Sa isinusulong niyang Senate Bill 2321, inirerekomenda ni Senador Grace Poe na i-expand ang layunin ng vaccine card para maging isang required document na magagamit ng fully vaccinated sakaling kailanganin sa pag biyahe sa bansa at maging sa abroad.
Sa ilalim ng panukala, papayagan ito base sa mga sinusunod na regulasyon ng IATF kung saan bukod sa vaccination card, kabilang pa sa requirements ang certificate na iniisyu ng DICT o certification ng City Health Officer ng lokal na pamahalaan n nagbigay ng last dose para makumpleto ang full vaccination. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)