Posibleng hugutin sa panukalang Bayanihan 3 ang pondo para sa special risk allowance at hazard pay ng health workers hanggang sa katapusan ng taong ito.
Ipinabatid ito ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na umamin sa pagdinig ng Kamara na kailangan nila ang pondo mula sa Bayanihan 3 para sa benepisyo, kumpensasyon at maging sa kakailanganing equipment ng health workers.
Sinabi ni Vega na gagastusin din ang pondo para sa pagkain, accommodation at transportasyon ng health workers bukod pa sa pagsuporta sa iba’t ibang operating units gayundun ang testing kits at laboratory commodities, mga gamot, pagbili ng bakuna at maging ang pag deliver nito.
Kasabay nito, inihayag ni Vega na nasa 84% na ng pondo para sa special risk allowance ang naipalabas na sa ilalim ng Bayanihan 2.