Walang kakulangan ng oxygen tank sa gitna na rin ng pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon ito kay DTI Secretary Ramon Lopez matapos balaang hahabulin ang mga pasaway at hoarder ng oxygen tanks.
Sinabi ni Lopez na isang krimen ang hoarding sa panahon ng pandemya kaya’t malalagot sa kanilang Economic Intelligence Team ang mga pasaway na distributor o refillers.
Ipinabatid ni Lopez na batay sa report mula sa industriya, ang pagtaas sa demand ng cylinder tanks ay mula sa mga household na bumibili nito para sa personal na gamit.