Kalaboso ang anim na miyembro ng sindikato na umano’y gumagamit sa pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para makakulimbat ng pera.
Ayon sa National Capital Region Police Office modus ng nahuling grupo na alamin ang pangalan ng mga contact ng contractors at government officials.
Kapag nalaman ng mga kawatan ang pagkakakilanlan ng mga ito ay dito na sila magpapakilalaang tauhan ng Presidential daughter saka manghihingi ng donasyon para sa mga community pantry.
Dahil dito, umabot na sa milyones ang kanilang nakulimbat.
Mismong opisina pa ng Alkalde ang nakadiskubre sa ginagawang kabalastugan ng mga sindikato.
Nasakote ang mga kawatan gamit ang pag-trace sa kanilang bank account.
Aabot naman 200 government officials at contractors ang naging biktima ng mga suspek at mahaharap ang mga ito sa syndicated Estafa.—sa panulat ni Rex Espiritu