Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpapangagap na doktor sa Quezon City.
Ayon sa NBI, nag-ugat ang reklamo sa nasabing suspek dahil ginagamit umano ito ang pangalan, pirma at license number ng isang lehitimong medical practitioner sa sa mga prescription ng post-procedure sa kaniyang nagiging kliyente.
Dahil dito, kanilang ikinasa ang entrapment operation at doon nila naaktuhan ang suspek na nagsasagawa pa ng pang-gagamot at naniningil pa ng P50,000.
Sasampahan ng kasong illegal practice of medicine ang Estafa at iba pa ang nahuling suspek.—sa panulat ni Rex Espiritu