Patay ang hindi bababa sa 40 matapos ang isang banggaan sa bansang Mali.
Ayon sa imbestigasyon ng otoridad, nawalan ng kontrol ang nagmamaneho ng truck nang pumutok ang gulong nito dahilan para mabangga nito ang pampasaherong bus sa bayan ng Segou, Bamako.
Agad naman na nadala sa ospital ang 33 pasahero na nasugatan sa nasabing insidente.
Kada taon ang Africa na ang naitatalang may pinakamaraming insidente.—sa panulat ni Rex Espiritu