Pumapalo na sa 1,627, 816 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos maitala sa 8,127 ang mga bagong kaso nito.
Ayon sa DOH, tumaas din ang active cases ng COVID-19 na nasa 66, 895 na itinuturing na pinakamataas na naitala simula nuong Mayo 3.
Kabilang sa active cases ang 94.6% na mild, 1% na asymptomatic, 1.9% na severe at 1.1% ang critical condition.
Umakyat naman sa 1, 532,494 ang total recoveries kasama na ang 4,343 na mga bagong naka recover sa nasabing sakit.
Samantala, naitala ang 196 na bagong nasawi sa virus, dahilan kayat sumirit na sa 28,427 ang death toll ng COVID-19 sa bansa.
Ipinabatid ng DOH na nasa 60% ng ICU beds at 41% ng mechanical ventilators ang kasalukuyang nagagamit sa buong bansa.