Pag-inom ng maraming tubig.
Ito ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin ang pinakamabisang panlaban sa haze para lumakas ang resistensya.
Sinabi sa DWIZ ni Garin na mas mabuting huwag na ring lumabas ng bahay lalo na yung mga bata, may sakit sa puso at diabetic.
“Kapagka may haze, eh huwag lumabas ng bahay except yung emergency cases, yung mga bata, may sakit sa puso, diabetes, asthma, bronchitis, pinaka-susceptible po talaga yung ating mga pasyenteng may sakit sa puso at ang mga inaatake ng asthma.” Ani Garin.
Samantala, naghihintay pa ng ibang impormasyon ang DOH o Department of Health kaugnay sa mga naitatalang kaso ng haze mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bukod dito, tiniyak sa DWIZ ni Health Secretary Janette Garin na iniimbestigahan na nila ang napaulat na 2 katao ang nasawi sa haze sa General Santos City.
“Hinihintay namin yung datos na papasok because we can see a comparison nung mga nag-increase na respiratory condition as compared noong wala pa tayong haze, merong naiulat na 2 daw nating kababayan na sumakabilang buhay sa General Santos City, subalit ito ay tinitignan pa natin kung ito ba ay directly related sa haze, sa ngayon ang makukumpirma natin ay nagkaroon ng asthma attack na ikinamatay nitong 2 sa magkaibang lugar although both in GenSan.” Paliwanag ni Garin.
By Judith Larino | Karambola