Patay ang isang transgender matapos pagsasaksakin sa loob ng kaniyang salon sa Guiginto, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si Cindy Jones Torres, 39 anyos.
Ayon sa mga awtoridad, Martes ng gabi nang may nagpasaklolo sa kanila para awatin ang nagpapambuno sa loob ng salon ni Torres sa Barangay Tabe.
Ngunit nakakandado ang pinto nito nang mabuksan ay tumambad na lamang ang tatadtad ng saksak na katawan ng biktima at wala nang buhay.
Arestado naman ang suspek na umaming sinaksak niya ang biktima.
Kwento ng suspek, tinangka siyang halayin ni Torres pero mariing itinanggi ito ng mga kaibigan at kaanak ng biktima.
Lumabas sa imbestigasyon na matagal nang nangungutang ang lalaki kay Torres at ito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagpatay sa biktima.—sa panulat ni Rex Espiritu