I-eendorso ng partidong PDP-Laban bilang kanilang standard bearer sa darating na 2022 eleksyon.
Ayon kay PDP-Laban at Energy Secretary Alfonso Cusi, sumang-ayon ang mga miyembro ng kanilang partido na i-endorse ang tambalang Go-Duterte para sa susunod na taon.
Ang nasabing desisyon ay kasunod ng kanilang National Executive Meeting nitong Miyerkules.
Ayon naman kay PDP-Laban Secretary Melvin Matibag isa si Go sa lumutang bilang Presidential bet habang si Duterte ay nanguna sa pagka-Bise.
Pero nilinaw din ni Matibag na hindi pa naisasapinal ang kanilang line-up sa 2022.—sa panulat ni Rex Espiritu