Dapat humingi ng kumpensasyon ang Pilipinas sa Indonesia dahil sa epekto ng haze sa mga Pilipino.
Sinabi ni Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe na kailangang umapela ang DFA sa Indonesia na gumawa ng kasunduan kasama ang ASEAN o Association of Southeast Asian Nations kaugnay sa trans boundary haze pollution.
Ayon kay Batocabe, Chairman ng House Committee on Climate Change, dapat kaagad na kumilos ang DFA para mapanagot ang Indonesia sa nasabing haze.
Magugunitang nakaapekto na sa iba’t ibang lugar sa Visayas, Mindanao at maging sa Metro Manila ang nasabing haze na dahilan din nang kanselasyon ng ilang flights.
By Judith Larino