Nakiisa ang Malakanyang sa pagbubunyi sa pagkapanalo ng dalawang Pinoy na boksingero sa ginanap na Tokyo Olympics.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama sa pagdiriwang ang palasyo sa tagumpay nina Carlo Paalam at Eumir Marcial.
Tinalo ni paalam ang malakas na pambato ng japan kung saan sigurado na itong makakakuha ng silver medal.
Inaabangan na rin ng tumbayan ang susunod na laban ni paalam para masungkit ang gintong medalya.
Bukod dito, ipinagdiwang rin ng Palasyo ang pagkakapanalo ni Marcial na nakasungkit ng bronze medal sa men’s middleweight boxing.
Sinabi ni Roque na isang karangalan ang ibinigay ng mga atletang Pilipino sa bansa.