Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na mahigit 100 beses tinangka ng hackers na pakialaman ang website ng Manila nuong gabi bago libo-libong tao ang magtungo sa mga vaccination site sa lungsod.
Ani Moreno, posibleng nagkataon aniya ito bago ang nangyaring kaguluhan sa SM San Lazaro vaccination site.
Buti na lamang aniya, sa tulong ng ilang technological protection ay nabigo ang mga hacker na pasukin ang kanilang website.
Duda naman ang alkalde na posibleng may kaugnayan sa kaniyang mga plano sa pulitika ang hacking incident at kaguluhan sa mga vaccination site.