Maayos sa pangkalahatan ang naging takbo ng unang araw nang muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Ayon ito kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC) ay kasunod na rin nang ikinasang checkpoints ng mga otoridad sa mga boundary ng mga lungsod sa NCR gayundin ng quarantine control points ng mga barangay.
Sinabi ni Olivarez na tila nasanay na ang publiko sa mga patakarang ikinakasa ng gobyerno lalo na’t ikatlong ECQ na ang ipinatutupad sa NCR ngayon.
Ilang motorista ang hindi nakalusot at pinabalik dahil sa kabiguang patunayang APOR sila partikular sa Caloocan, San Jose Del Monte, Bulacan at maging yung iba na nagtangkang pumasok sa Bacoor, Cavite.