Ikinasa na ni Vice President Leni Robredo ang ikatlong installment ng COVID-19 vaccination program ng kanyang tanggapan sa mga local officials ng Iriga City sa Camarines Sur.
Sa gitna na rin ito nang panawagan ni Robredo sa gobyerno na pabilisin ang pagbabakuna dahil sa pag usbong ng mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus.
Tinaguriang Irigavax express ang naturang bakunahan sa Iriga ay isinagawa sa pakikipag ugnayan sa LGU na nagbigay ng COVID-19 vaccine supply at inaasahang mababakunahan ang 5,000 senior citizens.
Ang hakbang ayon kay Robredo ay bahagi ng patuloy at pinaigting na effort ng OVP para magkaloob ng logistics support sa LGU’s, makatulong sa mas mabilis at higit na efficient na pamamahagi ng bakuna sa mga residente.