Sarado hanggang Agosto 15 ang ilang tanggapan ng Provincial Government ng Cavite.
Ito’y dahil sa mataas na bilang ng mga empleyadong tinamaan ng COVID-19.
Kinumpirma ng Provincial Information and Communication Affairs Department (PICAD)-Cavite na naka-work from home ang lahat ng empleyado.
Tanging ang Office of the Governor, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Social Welfare and Development Office, Road Safety Division, Provincial Jail at General Services Office ang nasa ilalim ng skeleton work force.
Hindi naman idinetalye ng PICAD kung ilang empleyado ang dinapuan ng COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino