Sugatan ang 10 pasahero matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa loob ng isang tren sa Tokyo, Japan.
Ayon sa Tokyo police, karamihan sa mga biktima ay dinala sa ospital pero kritikal ang kalagayan ng isa sa mga ito.
Sa imbestigasyon, bigla na lamang pinagsasaksak ng lalaki ang mga kapwa niya pasahero bago mabilis na tumakas.
Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang hindi pinangalanang suspek.