Asahan na ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa sa mga susunod pang araw.
Ito ang inihayag ng Department of Health makaraang bumalik sa mahigit 11,000 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 matapos ang halos 4 na buwan.
Aminado si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng ang sanhi ng pagsirit ng bilang ng nagkakasakit ay ang mas nakahahawang delta variant.
Ayon kay Vergeire, bagaman babagal ang pagkalat ng sakit dahil sa mas mahigpit na lockdowns, hindi naman titigil sa pagtalon ang kaso ng COVID-19.
Layunin aniya ng mahigpit na lockdown na ihanda ang health care system ng bansa sa walang humpay na paglobo ng kaso. —sa panulat ni Drew Nacino