Dumoble ang bilang ng mga indibidwal na nababakunahan kontra COVID-19 kada araw sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ito’y ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos matapos na personal na bumisita sa ilang vaccination sites sa Metro Manila kahapon, Agosto 7.
Aniya, sa mga vaccination sites sa Valenzuela, Malabon, Navotas at Caloocan City ay pare-parehong dumoble ang kanilang mga nababakunahan.
Ibig sabihin lang ani Abalos na kakayanin ng mga lungsod sa Metro Manila ang hamon sa kanila na 250,000 kada araw na matuturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Mababatid na sa Valenzuela City ay planong palawigin pa ang oras ng vaccination program nito.
At oras namang matapos na mabigyan ng bakuna ang mga residente sa valenzuela city ay nakahanda silang alalayan ang ilang mga karatig lugar gaya ng Bulacan.
Habang sa lungsod naman ng Balabon ay hindi pa nakikita ang pangangailangan ng pagbabakuna 24/7.