Pinabulaanan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang umano’y kumakalat online na ‘no vaccine, no work policy’.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bello na walang karapatan ang sinuman na piliting magpabakuna ang isang tao kahit pa ang isang employer.
Ito’y sang-ayon sa inisyung advisory ng Labor Department maging ang RA 11525 o ang COVID-19 vaccination Program Act of 2021 na nagsasaad na ang vaccine card o ang pagbabakuna ay hindi pwedeng hingin na additional requirement for employment.
Binigyang diin ng kalihim na bukod sa walang batas na nagsasaad nito ay wala pa naman aniyang sapat na suplay ng COVID-19 vaccines ang ating bansa.
Sa kabila nito, nanawagan si Bello sa mga manggagawa sa bansa na oras na maging available na ang bakuna o magkaroon sila ng pagkakataong mabakunahan ay kanya itong hinihikayat para na rin sa dagdag proteksyon laban sa virus at mga variants nito.