Hindi lang Silver Medal ang naiuwi ng atletang si Carlo Paalam.
Kundi samot-saring aral din sa kanyang unang pagsabak sa Olympics sa Tokyo.
Sa edad na 23 anyos, si paalam ay itinuturing na bunso ng kanyang boxing team, pero ang kanyang ipinakitang performance ay salungat sa kanyang pagkabata at kakaunting karanasan sa malakihang ring.
Pinatumba kasi ni Paalam ang Reigning Olympic Champion sa bansang Uzbekistan.
Gayunman na-knock-down siya sa pambato ng Great Britain at naiuwi ang Silver Medal.
Ayon kay Paalam, ito na ang isa sa bagay na natutuhan niya bilang boksingero dahil aniya kahit kailan ay hindi pa niya ito nararanasan. —sa panulat ni Rex Espiritu