Idineklara ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI sa Quezon City na nasa full capacity na ang kanilang COVID-19 unit bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19 at Leptospirosis.
Dahil dito, binuksan ng ospital ang gym nito para sa mga pasyenteng may leptospirosis at ginamit naman peritoneal dialysis ward para sa mga confirmed at suspected COVID-19 cases.
Kaugnay nito, umapela na ang NKTI sa Department Of Health (DOH) ng karagdagang health workforce.
Samantala, dahil na rin sa pagsasaayos ng ilang emergency room at wards, lilimitahan rin ng ospital ang kanilang e-r admission sa emergency, urgent at renal cases.
Simula ngayong araw ay magbabawas din ang ospital ng konsultasyon sa internal medicine and nephrology.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico