Nababahala si Senador Bong Go sa tumataas na bilang ng mga bata na dinadapuan ng COVID-19.
Ayon kay Go, batay sa datos ng Department of Health (DOH), halos umaabot ng 30% ang pagtaas sa bilang ng mga batang nagka-COVID-19 nitong nakaraang Linggo.
Binigyan diin pa ng Senador na nakakabahala kung hindi maaagapan at magagawan ng paraan para mapigilan ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kabataang dinadapuan ng virus.
Kasunod nito, iminungkahi ng senador sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na pag-aralan kung posibleng palawakin ang saklaw ng vaccine rollout kung saan isama na ang naturang age group sa pwedeng bakunahan.
Mababatid sa tala ng sa datos ng DOH , tumaas sa 30% ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga kabataan kung saan noong Agosto 3, mula sa 6,879 na naitalang bagong COVID-19 cases, 742 dito ay mga kabataan na nasa edad 17 taong gulang pababa.