Pinaiimbestigahanna ng DILG ang kaso ng umano’y pamamaril sa isang curfew violator na sinasabing isang “mentally unstable person” sa Tondo, Maynila.
Tiniyak ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na hindi nila kukunsintihin ang anumang mga uri ng pang-aabuso.
Inatasan na aniya ni Secretary Eduardo Año ang PNP para imbestigahan at alamin ang puno’t dulo ng pangyayari.
Noong Sabado, binaril umano ni Barangay Peace and Security Officer Cesar Panlaqui ang isang 59 na curfew violator sagit na ng umiiral na ECQ sa NCR.
Sinasabing may dalang laruang baril ang biktima na dead on the spot matapos magtamo ng tama ng bala sa dibdib.