Tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa lahat ng edad at hindi lamang sa bata ayon sa Department of Health.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, simula Hulyo 13 hanggang 25, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 59% pagtaas ng kaso sa lahat ng edad kumpara nuong Hulyo 26 hanggang Agosto 8.
Mapapansin din aniya sa datos na ito, na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay naitala sa edad na 30 hanggang 39 age group habang mababa naman ang naitala sa mga nasa edad 80 years old.
Ginawa ng DOH ang paglilinaw na ito matapos mapaulat ang umano’y tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga bata.