Pinatitiyak ng isang senador sa Transportation Department ang kaligtasan ng mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ang kanilang pagko-commute o pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.
Ito’y ayon kay Senadora Risa Hontiveros ngayong nagpapatuloy ang pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus areas.
Dagdag pa ni Hontiveros na dapat ay may sapat na bilang ng mga pumapasadang Public Utility Vehicles (PUVs) para mabawasan ang hawaan sa loob ng mga sasakyan.
Paliwanag nito na hindi malayo ang hawaan ng virus lalo na kung siksikan sa loob ng sasakyan o kahit ang mahabang pila papasok nito.
Kaya’t nanawagan ang senadora sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tiyaking may sapat na PUVs sa mga mahahalagang ruta.
Gayundin ang pagpapaigting pa sa Service Contracting Program ng pamahalaan. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)