Mayroon pang sapat na kamang nakalaan para sa mga COVID-19 patients ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan City o mas kilala bilang Tala Hospital.
Ito’y sa gitna ng napupuno ng bed capacity sa ibang ospital sa NCR dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Alfonso Victorino Famaran Jr. Medical Center Cheif, patuloy pa rin ang pagtanggap ng kanilang ospital ng mga pasyenteng mayroong moderate, severe o kritikal ang kondisyon ng COVID-19.
Ang Tala Hospital ay mayroong 520 beds na nakalaan para sa mga COVID-19 patients. Ilan sa mga ito ay ward beds habang ang 140 ay ICU beds.