Pina-plano na ng gobyerno na i-regulate ang bentahan ng oxygen tank sa gitna ng posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagkaroon na ng pagpupulong ang kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) kung saan tinalakay kung papaano mare-regulate ang bentahan ng oxygen tanks para matiyak na ang makakabili lamang nito ay yung mga talagang kailangan nito.
Ani Vergeire, lumalabas na dapat ay naka-prescribed na ito upang hindi lahat ng gustong bumili para ibenta lamang din ay makakabili ng oxygen tank.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga manufacturers ng oxygen tanks para dagdagan ang kanilang production upang paghandaan ang posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.