Maagang nakamit ng Mandaluyong City ang population protection matapos maturukan ang mahigit 320,000 indibidwal ng first dose ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa sa datos ng Mandaluyong City Health Department, hanggang nitong Agosto 9 ay umabot na sa kabuuang 325,188 indibidwal o 100.01% ng target population ng lungsod ang naturukan ng first dose ng bakuna.
Ang total population ng lungsod ay nasa 464,467 at ang bilang ng mga indibidwal na eligible na mabakunahan ay nasa 325,127 o 70% ng total population.
Inihayag naman ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na ang tagumpay ng vaccination program ng lungsod ay dahil sa pakikipagtulungan nila sa mga pribadong sektor at kooperasyon ng bawat mamamayan.—sa panulat ni Hya Ludivico